Add parallel Print Page Options

20 Maipag­mamapuri ba kung kayo ay nagtitiis ng hirap ng pangbubugbog dahil sa paggawa ng kasalanan? Ngunit kung kayo ay nagtitiis ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti ito ay kalugud-lugod sa Diyos. 21 Ito ay sapagkat tinawag kayo sa ganitong bagay. Si Cristo man ay naghirap alang-alang sa atin at nag-iwan sa atin ng halimbawa upang kayo ay sumunod sa kaniyang mga hakbang.

22 Hindi siya nagkasala at walang pandarayang namutawi sa kaniyang bibig.

Read full chapter